Ang mga kagaguhang nilalaman ng blog na ito ay maaaring base sa totoong buhay o kwento
O kaya nama'y pwede rin namang parte lang pala ng malikot na imahinasyon ko ang lahat
Ikaw nalang siguro ang bahalang manghula
Hindi ko na din kasi alam kung anong totoo e.
Hindi ko alam kung bakit trip na trip ko yung kantang It Will Rain ni Bruno Mars samantalang hindi ko naman trip yung mga iba niyang kanta at sa kanya na din mismo.
Kada uwi ko galing trabaho, lakwatsa, kape-han o mga side side line hanggang sa pagtugtog sa ukulele ko, It Will Rain pa din ng It Will Rain at oo, hindi pa ako nagsasawa.
Siguro wala talaga sa singer yan ano?
Siguro nga.
Hindi ko nga din pala alam kung bakit sinasabayan ako ng kapatid kong kumanta nun nung nasa kalagitnaan ako ng pagligo habang siya naman e nasa kabilang banyo naman at naliligo.
Naririnig nya ako?
Lol.
Gusto ko lang sabihin na abala ako ngayon kasi nagiinuman kami nila inay, itay at ni ate. Ang sarap pala ng tomador ang buong pamiya ano. Joks. Shot!
Dahil bumata ako ng mga mahigit-kumulang limang persyento sa pagahit ng mga bala balahibo sa mukha ko, napagisip isip kong sisimulan ko na talaga ang pagtatabi ng mga baryang naiipon sa mga bulsa ng pantalon at ng bag ko para sa pagpapamantsa ng balat ko.
At oo, hindi nga talaga magkakonekta yung mga pinagsasabi ko dito.
Theme by Lauren Ashpole