Ang mga kagaguhang nilalaman ng blog na ito ay maaaring base sa totoong buhay o kwento
O kaya nama'y pwede rin namang parte lang pala ng malikot na imahinasyon ko ang lahat
Ikaw nalang siguro ang bahalang manghula
Hindi ko na din kasi alam kung anong totoo e.
Patuloy pa din ang pagbisita ng mga masasamang panaginip. Masama na ang ganito. Naalala kong bumibisita lang ang mga ganito sa mga panahong magulo ang pagiisip ko. Unti unti na naman yatang naiipon ang mga salitang nakakapag-alangang bitawan at ang damdaming hindi na naiparamdam. Napupuno na naman ang papel ng mga gulo gulong sulat at mga walang katuturang mensahe.
Kailangan na yatang magbawas nang gumaan na ang pakiramdam. Kailangan nang kumalma para matahimik na ang pag-iisip. Pero paano nga ba?
Ewan ko din.
Tsaka nalang siguro..
Theme by Lauren Ashpole