Ang mga kagaguhang nilalaman ng blog na ito ay maaaring base sa totoong buhay o kwento
O kaya nama'y pwede rin namang parte lang pala ng malikot na imahinasyon ko ang lahat
Ikaw nalang siguro ang bahalang manghula
Hindi ko na din kasi alam kung anong totoo e.
hindi ako alam pero pag naririnig ko ang kantang ‘to eh ikaw ang unang pumapasok sa isip ko. Maliban sa dahilang ikaw ang pangatlong babae kung bat ako ganito ngayon siguro e dahil na rin sa isang taon mahigit kong paghihintay sayo. Dinagdagan pa ng mga maling tiyempo at mga maling kalkulasyon kaya lalong nabulilyaso ang lahat.
Minsan talaga, pag mali ang timing mo lalong nagkakanda loko loko eh.
At lahat ng pagpapaduday at pagpapatagal sa isang bagay ang nagiging dahilan sa paglayo lalo sayo ng tiyansang makuha o masabe man lang sa kanya na gusto mo siya.
naalala kong sa kasagsagan ng pagiging tarantado ko noon e ikaw ang laging naka alalay at ikaw at ikaw parin ang hinahanap hanap ko kahit lagi naman kitang sinasantabi pag masaya ako sa iba.
naalala kong sinabi mo minsan na ikaw ang aking tahanan. Na pagtapos ng araw e sayo parin uuwi ang isang batang tulad ko pagtapos maglaro sa labas.
at oo tama ka nga.
home is where the heart is ika nga nila
hindi ako magaling sa timing, i should have kissed you.
sus.
(Source: ginoongjayp)
Theme by Lauren Ashpole