Site Meter
May
19
2013

Matagal tagal na din simula nung huling nakatikim ako ng sinigang na baboy. Puro kasi kami manok nitong nakaraan at talaga namang nakakatuwa ang ganun. Pero syempre, kahit gaano mo kagusto ang isang ulam, hindi naman pwedeng palaging manok nalang ang ulam ano. Dapat karne din. Salitan lang. He he joks. Anyway, dahil nga pakiramdam ko e sasabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan ngayon, napagisip isip ko na matutulog nalang muna siguro ako para masaya. Immune naman na ako sa bangungot e. He he joks ulit

May
18
2013

Kung tutuusin, sobrang namimiss ko naman na talaga ang tumugtog. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko magawang hanapan ng time ang musika. Parang nahihiya na nga din ako medyong tawaging musikero ang sarili ko dahil wala naman akong instrumento e. Para akong sundalo pero wala namang armas. Isnatcher pero wala namang patalim. O kaya naman, guro na wala namang lecture.

Nakakalungkot

May
18
2013

Dahil bumata ako ng mga mahigit-kumulang limang persyento sa pagahit ng mga bala balahibo sa mukha ko, napagisip isip kong sisimulan ko na talaga ang pagtatabi ng mga baryang naiipon sa mga bulsa ng pantalon at ng bag ko para sa pagpapamantsa ng balat ko.

At oo, hindi nga talaga magkakonekta yung mga pinagsasabi ko dito.

Theme by Lauren Ashpole