Ang mga kagaguhang nilalaman ng blog na ito ay maaaring base sa totoong buhay o kwento
O kaya nama'y pwede rin namang parte lang pala ng malikot na imahinasyon ko ang lahat
Ikaw nalang siguro ang bahalang manghula
Hindi ko na din kasi alam kung anong totoo e.
Dahil bumata ako ng mga mahigit-kumulang limang persyento sa pagahit ng mga bala balahibo sa mukha ko, napagisip isip kong sisimulan ko na talaga ang pagtatabi ng mga baryang naiipon sa mga bulsa ng pantalon at ng bag ko para sa pagpapamantsa ng balat ko.
At oo, hindi nga talaga magkakonekta yung mga pinagsasabi ko dito.
Wala na yatang mas nakakatuwa nung nalaman kong ang paborito kong kape-han ay nagseserve din ng mga nakalatang beer.
Sarap, puta.
Hindi ko alam kung kaya pang tumagal ng katawan ko sa ganitong sistema. Parang konting usog pa yata e paniguradong titirik na ang katawan ko kagaya ng pagtirik na nangyari sa multicab ni boss kanina. At speaking of boss, tangina mo, boss.
Theme by Lauren Ashpole